kawalan ng Pag asa
Hindi mo ba alam na ikaw ay isang nilalang sa kawalan. Lumalakad sa dilim. Ni aninag wala kang makita. Walang matakbuhan. Hindi mo magawang sumigaw. Ang kawalan ng iyong ginagalawan ay isang madilim at masikip na hawla. Hindi mo maisip kung anu ang dapat gawin. Wala kang ginawa kundi umupo’t humiga, mamaluktot na lamang sa gitna ng kawalan. Lumuluha’t , humuhikbi sa kawalan ng pag-asa.
Sa patuloy na pag-inog ng iyong mundo. Sa walang humpay na kadiliman. Minsan ding iyong sinubukan na tumatyo. Ngunit walang humpay naman ang hampas ng malalakas at malamig na hangin sa iyong katawan, na siyang muling nagbigay sa iyo ng kahinaan. Hanggang isang araw wala ng luhang pumapatak sa iyong mga mata. Manhid na ang iyong buong katawan. Tulala sa kawalan, ngunit ang bagang ay nagpupuyos sa sakit at galit. Ngunit kahit anung sakit at galit ang iyong nadarama patuloy ka pa ring umiinog sa kawalan. Kahit anung pagpupumiglas ang iyong gawin walang saysay ang kapaguran na nadarama.
“Hanggang kailan? Hanggang kailan ka maghihintay? Oo pagod ka na, sumuko ka na!” mga boses na bumubulong sa iyong isip. Habang ang iyong buong katawan ay pagal na; nanghihina, nauuhaw at nagugutom. Hanggang ang iyong mga mata ay nanlalabo at halos wala ka ng malay.
Ngunit sa kawalan ng pag-asa patuloy na lumalaban, patuloy na pumipintig ang iyong puso at umaasa na sa konting liwanag sa gitna ng kadiliman. At minsan pa, sinubukan mo muling gumapang at kahit paos muling sinubukang sumigaw. At kahit pagal na iyong buong katawan sinubukan mo pa ring tumayo. Ngunit kahit anung subok ang iyong gawin mahina ka pa rin at muli kang na buwal hanggang wala ng boses na marinig sa iyong mga labi.
Pahina ng pahina, hanggang pintig na lamang ng iyong puso ang naririnig. Pero dahil sa patuloy na pagtibok ang iyong puso minsan pa muli kang lumuha, luhang ramdam ng puso kaya lalo itong lumakas at muling naantig. Hanggang sa ikaw’y humuhikbi na nagging isang malakas na sigaw. Ang sigaw na siyang muling nagbigay sa iyo ng lakas at pag asa. Sigaw na nag susumamo at sigaw na tumatawag sa pangalan ni HESUS. Dahil sa patuloy na pagsusumamo ng iyong puso muli mong nadama ang init ng pag-ibig sa iyo ng Diyos na minsan iyong tinalikdan. Si Hesus na minsan hindi ka tinalikuran bagkus patuloy at laging nagmamahal sayo ng lubusan. Si Hesus na nagpakamatay sa krus para matubos tayo sa kasalanan natin at magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Minsan din iyong nakalimutan na sya ang nagsilbing ilaw at sandalan sa oras ng kagipitin. At kahit pagod na at nanghihina na, pilit mo pa rin at kusang itinaas ang iyong dalawang kamay na lumuluha at sinasambit ang katagang …”Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16 “
by: Joy Torno
ITUTULOY …………………